Wednesday, January 24, 2007

Yebba!

Matindi ang kabog ng dibdib, puso'y parang nais kumawala. Nanginginig ang kalamnan. Pawis ay tumatagaktak bagama't may kalamigan. Hindi mapakali sa upuan, parang pusang hindi mapaanak. Halos himatayin sa kaba. Manaka-nakang tila ba nauupos na kandila. Sumigla, nabuhayan ng dugo. Mga kamay iwinawagayway habang sumisigaw ng pabulong. TAGUMPAY!!!!!!!!!!!!!!

Photobucket - Video and Image Hosting

The rules changed as soon as the contestants were trimmed down to two. This time, if one of the last two remaining spellers misspells the word, the other one would have to spell it correctly then spell another word correctly to be declared the winner. It was nerve wracking. Lexi and the 6th grader were going at it for so many rounds. I could tell it was getting on her nerves too. It was only a matter of time, and one of them is definitely going down. Alexis' big break came when the opponent (?) misspelled "anchovy". I chuckled when she told me later on that as soon as the other girl misspelled, she smiled because she knows how to spell it. Her winning word was "Argonaut".

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

It took a while for her to even realize she had already won. She just stood there, as if in a trance. My mom, seated to my left had tears rolling down her cheeks. I, on the other hand was jumping for joy. People were congratulating me left and right as if I was the one who won. Oh yeah, I did win. I won the "proudest mommy of the moment" award.


*next stop will be the EUROPEAN SPELLING BEE competition...exact dates to be announced.
aside from the $100 savings bond, she also received a Merriam Webster's Collegiate dictionary.


Labels:

Friday, January 19, 2007

Hangin

My God. Nakakatakot. Ang lakas ng hangin sa labas. Umuungol. Sumisingasing. Nangangalit. Parang nais basagin ang mga bintana. Parang nais palisin ang anumang hahadlang sa kanyang daraanan.

Ang puno sa harap ng bahay ay tila baga sumasayaw sa saliw ng tugtog ng hangin. Patuloy ito sa pagliyad, sa pag-indak, sa pagyuko, at sa pabiling-biling na mosyon. Harinawa ay huwag itong maputol at bumagsak sa mga sasakyang nakaparada sa harapan (josko po, huwag naman sana at ilang araw ko pa lang namamaneho ang bagong baby ko!).

Natatawa na lamang ako....ninenerbyos na ako ay kung ano-ano pa ang naiisip ko.

Monday, January 15, 2007

2007

2007. Bagong Taon.

Kaydami kong nais isulat. Nais ibahagi sa mundo, ngunit sa tuwing magsisimula ay parang tinatangay ng malakas na alon ang aking kaisipan. Sa pananahimik nakakatagpo ng kapayapaan.

Angst. Patong-patong na saloobin. Sapin-saping emosyon. May masaya, may malungkot, minsan may kababawan, magkaminsan ay malalim. Hindi kayang ipaliwanag, ngunit alam mong nagaganap (hiram sa Pinoy Thriller).

Pagbabago. Nalalapit na.

Monday, January 01, 2007

Photobucket - Video and Image Hosting
Christmas Morning


Photobucket - Video and Image Hosting
Time to open Pwesents

Photobucket - Video and Image Hosting
(pa)Cutie Patootie with iPod NANO from Papa Steve

Labels: