Saturday, October 11, 2008

San na napunta ang panahon...

Ang bilis talaga ng panahon....parang kailan lang nung kami ay magkakilala ni Esteban. Parehong bata (batang-isip), nagkamabutihan, nauwi sa altar. At heto nga...minsan ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon kami ng mga inakay na labis na nakakapagpaligaya sa amin. Kaybilis ng panahon. Kung maaari nga lamang na manatili silang mga bata.


ang aking dalaginding...

si bunsoy...

10 Comments:

At 12:07 PM , Anonymous Anonymous said...

dalaginding? dalaga na si lexis!

si teban, kulet pa rin, haha! :)

ganda ng pics (bago camera mo?) hehe

 
At 12:23 PM , Blogger Unknown said...

ruthie: mas malaki na sya sa akin ngayon, grabe! 2 inches taller na ang hitad at kung tawagin ako eh "shorty" hahaha. si Teban liit talaga eh super duper kulit pero yung kulit nya eh yung nakakaaliw na kulit...hehehe (obvious ba na mama's boy?)

camera nung friend kong litratista ang ginamit sa pics hehe. sa pasko pa ang bagong camera...ipon ipon chenes muna hehe.

 
At 12:54 PM , Blogger HiPnCooLMoMMa said...

parang biglang laki sila pareho nung lumipat kayo sa US. Dalagang dalaga na si Lexis, at napakagandang bata, at siempre si bunsoy nakakatuwa din, at siempre pogi

 
At 1:10 PM , Blogger Unknown said...

girlie: OO nga eh...minsan kahit ako eh nagugulat din...buti na lang si alexis, hindi pa mahilig sa boys..naku mapupukpok ko 'to sa ulo pag nagkataon hehehe.

 
At 1:18 AM , Blogger justice said...

kumare, si lexi dati ang tingin ko eh kamukha mo, ngayon tatay na niya ang nakikita ko!

obvious na mana sa ama sa taas. magiging shorty na tayong mga nanay.

agree ako--ang mga bunso eh mama's boy (guilty din ako hehe)

 
At 7:31 AM , Anonymous Anonymous said...

Inday hidni lang nagsisilaki mga bata, tumatanda pa tayo hu hu hu

d bale, byuti pa rin naman ..o divah, sabay bawi :D

 
At 8:29 AM , Blogger Unknown said...

kumare: ako pa rin ang kamukha nya...hehe. yung height eh sana talaga kay steve magmana.

pareho tayong guilty...baka sabay tayong bitayin?? hahaha

 
At 8:31 AM , Blogger Unknown said...

thekyababe: aray ko! tutut yan...kapag nakikita ko kung gano kabilis ang paglaki nila, nare-realize ko na gurang na ako wahhhhhh....

imagine, dati fresh na fresh tayo tapos ngayon eh mga gayot na hahahah

 
At 1:59 PM , Blogger tintin said...

Hey, you tell me where it went. Ahuhuhu...Mina's not a baby anymore!

And you're soon to have a teenager on your hands. Good luck! hehe...no, i think you guys are probably going to have no problems with that responsible and smart young lady.

 
At 12:12 PM , Anonymous Anonymous said...

i lab da piktyurs, love them love them! arbor na lang the camera akina lang yan plssssss!!!! what's the brand of the cam?

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home